Lifestyle, Parenting, Woman Empowerment

I am a Failure Mom

I am writing this as of the moment because this is what I feel right now. In this time of Pandemic crisis (Covid19/NCOV) sobrang nahihirapan akong hanapin ang motivation ko. Parang gusto ko nalang wala akong gawin dahil din siguro nakikita kong ganun din ang ginagawa nang ibang tao. I’m counting myself in, pero sa loob ko, dapat maging productive ako.

Dapat madami ako ginagawa for myself. Like isipin ko yung negosyo ko for the next step, i-home therapy ko manlang si Kuya Jansen at Kuya Johan, Turuan ko magbasa si Janel, maglinis manlang sa kwarto namin, gumising nang maaga at asikasuhin lahat nang lutuin. Sa dami nang dapat kong gawin at sa dami nang iniisip ko ilan lang dyan ang nata-tap o nagagawa ko kaya feeling ko I AM A FAILURE MOM.

Pero, Alam nyo ba kung bakit ako hindi sumusuko at nagpapatuloy kahit pakiramdam ko hindi ako mabuting INA para gampanan lahat nang TAMA ko dapat gawin? Yun ay dahil..

Alam ko sa sarili ko na, “KUNG HINDI AKO ANG GAGAWA PARA SA KANILA, SINO ANG AASAHAN KO?!”

Kelangan ko tanggapin ang sarili ko na hindi ako perpektong tao, WALANG PERPEKTONG TAO. I’m just pushing myself too hard para gawin lahat lahat nang tama. Natuto akong tanggapin sa sarili ko na “OKAY LANG” na hindi ako magaling sa lahat pero kaya kong pag-aralan basta wag ko lang pilitin at madaliin ang sarili ko.

Kaya kong matapos ang lahat at matutunan lahat basta gugustuhin ko. Kelangan lang natin paalalahanan ang mga sarili natin na wag sumuko. Palaging may Pag-Asa. We can always feel that we’re failing in each and every aspect of our life pero hindi tayo “QUITTER”, Hindi tayo madaling sumuko. Yan ang katangian mo na kaya mong ipagmalaki.

Kelangan natin bumalik sa rason natin kung bakit natin sinimulan, Ano ba goal mo? Ano bang rason mo? Ang magiging outcome kapag nagawa mo lahat nang Kelangan mo gawin? Kelangan mo questionin ang sarili mo. Bakit mo ginagawa ang bagay-bagay?

Sinulat ko ito dahil pakiramdam ko palagi akong mag-isa, walang makatulong sakin. Ang tanging Isipin mo at palagi mong gawin ay ang “PAGPILI SA SARILI MO!” Piliin mo ang sarili mo. Pakiramdaman mo kung Sino ang nasa tabi mo. Meron o walang katulong kelangan mo pa ring maging committed sa sarili mo. Kaya ngayong natapos ko nang ibuhos ang nararamdaman ko, balik na ulit ako sa dapat kong gawin at harapin sa buhay.

GOODLUCK SAYO! MABUHAY KA!

❤️ Mama Farrah

Leave a comment