Parenting

Menstrual Cup ba ang sagot sa kahirapan?

Ready na ba tayo dito?
Kung hindi ka familiar dito at babae ka, pwes, alamin natin!

Eto ay MENSTRUAL Cup, device inserted into the vagina during menstruation. Pangolekta ng regla.

I tried this literally today on my 3rd day of my menstruation. Usually, Konti na ang regla ko kapag 3rd day.

Here’s my experience:
Inserting
•nasaktan ako, feeling ko Hindi kakasya. Bago ko pala sya nilagay, nilagay ko muna sya sa hot water ng 10mins. Ang weird. Nung nalagay ko na, nakatiklop pa sya, iniisip ko kung paano sya bubuka; Ayun, nag-pop na sya.

Walking
-Weird. Feeling mo may nakapasak lalo na at virgin ako with 3kids 😂✌🏻. Ang weird. Haha! Feeling ko may lalabas every lalakad ako. Ilang beses ko sinilip at kinapa kung okay lang sya, Lalo na kung okay lang ba ako?! Hahaha!

Sitting
•Sobrang weird. May nag-squish. Parang lalabas. Uncomfortable. Yung Iniisip mo sya everytime uupo ka.

Coughing
•Eto pinaka-matinding feeling. Haha! Parang bubulwak at aalis in instance na mauubo ka. Para kang manganganak.

Ang weird nito suotin. But, lahat yan sa umpisa lang. After an hour, I get used to it. Ang Hindi mo lang talaga maatim yung Pag-upo at Pag-tayo Galing upo. Mafefeel mo kasi sya. But, walking, jumping and running, normal lang sya. Yung feeling lang na meron talaga naka-salpak lang.

Para kanino ito?

  1. Para sa mga sensitive ang skin sa mga sanitary pads
  2. Para sa tinatamad mag-change pads ng madalas. Me! Haha!
  3. Okay na okay din sa may malalakas na period.
  4. Para sa nagtitipid.
  5. Para na environmentalists nating mga Ate. Less waste. Happy World.
  6. Mga active in sports.

Paano nga ba ako umihi ng may menstrual cup, medyo hassle lang ang part na ito. Kelangan mo talaga sya tanggalin gamit ang pinch finger nails mo. Medyo struggle ang Pag-hila, hinila ko sya hawak ang nakausling rubber sa Pinaka-cup, pa-side ang hugot kasi mahirap hilahin kung naka-gitna ang hugot.

Satisfying ang part nung nakita ko ang menstrual cup ko na may regla. Parang Nakakatuwang makita na ganito kadami ang nakuha at lumabas sayong dugo na dati ay hindi mo naman nasusukat sa sanitary pads mo.

Image from Google.

Hinugasan ko ang menstrual cup gamit ang tubig lamang at binalik ko ito nang nakatayo. Okay na ulit, pahinga na. Back to tulog na.

Sya nga pala kung tatanungin nyo ako kung may stain pa rin ba ang undies ko after long day, yes, may stain, pero tuldok lang. nakakatuwang wala talang tumagas na dugo, humiga, umupo, mag dekwatro o cross-legs. Yung isiping may period ka lang Hindi posible dapat gawin yan, pero yes, lahat yan nagawa ko. 😂😂

Ayan, kung gusto nyo itry, approve na approve ko to! Masaya naman sya! Sana Masaya din kayo para sa kanya. Haha! Makakabili kayo nito as low as P100 to over P5K. Kayo na ang bahala sa sarili nyo. Will write more about this thru my blog – mamafarrahph.WordPress.con

Thanks for reading my blog!

Please follow me:

Instagram.com/mamafarrahph

youtube.com/farrahvaldez

2 thoughts on “Menstrual Cup ba ang sagot sa kahirapan?”

  1. Done Mom’s. Gusto ko din itry yan ih. Curious ako. Na try ko na din si tampons. Nagustuhan ko din kaso may stain kpag malakas ang period. D nya keri eh. Hanap ako ng afford nyan na safe din. Thanks sa review MOMSHIE 😘💖💖💖

    Like

Leave a comment