Baby, Cesarean, Operation, Pregnancy, Uncategorized

Blog#3: Sugat ng Pagmamahal (C-Section Scar)

C-Section Delivery is considered as major operation para sa ating mga mommy at hindi madali magpagaling ng sugat ng cesarean. Kelangan mo alagaan ang sugat mo sabay ng pag-aalaga mo sa sarili at baby mo.

Maswerte ka kung meron pwedeng umalalay sayo habang nagpapagaling ka para manumbalik ng mabilis ang lakas mo. Gusto ko lang I-share kung pano ko alagaan yung sugat ng pagmamahal ko. Simple lang naman.

You need:
1. Binder – automatic paglabas mo ng hospital may suot ka dapat nito kasi hindi mo kakayaning maglakad at kumilos kung wala kang binder.

20140708-015233-6753707.jpgPhoto not mine, credit to owner.
Insight: Ganitong klase yung binder ko nung lumabas ako ng Hospital I think nasa 100-200php sya. Sinuot ko lang sya hanggang 2-3weeks. Summer kasi ako nanganak (March5,2014) kaya hindi ko na tinagalan. Sobrang kapal nya and hindi rin sya maganda isuot under clothes kasi masyado syang bulky. Pero sabi ng OB after 2weeks or kung kaya mo na tanggalin na din para makahinga si sugat. Purpose ko sana patagalin para tuluyan lumiit tsan ko.

2. Betadine – kelangan malagyan yung buong sugat ng betadine. Malalaman mo na kelangan mo na ulit lagyan ng gamot kapag wala ng brown yung area ng sugat or wala ng kulay ang gamot na pinahid mo na nauna. More or less 100-200php yung ganyan kalaki.

20140708-020707-7627773.jpgPhoto not mine, credit to owner.
New Packaging. Wala na yung Green.

3. Cotton/Bulak – applicator ng betadine.

4. Gauze – pantakip sa sugat. Mas maganda if bibili na kayo ng mahaba then cut mo nalang sa desired length mo. Around 50-100php.

20140708-021620-8180784.jpgPhoto not mine. Credit to owner.

5. Micropore Tape – to secure and to close yung gauze. Mas maganda yung malapad na Micropore ang bilhin kesa manipis para maganda ang pagkaka-secure ng gauze sa balat.
20140708-022440-8680625.jpgPhoto not mine. Credit to owner.

6. Alcohol – any 70% alcohol will do. Mas concentrated kasi sya compared to 40% lang na pang cleaning.

Direction to clean your scar:
1. Clean the outside area of the scar using Alcohol. Hindi mismo yung sugat ang lalagyan ng Alcohol.
2. Maglagay ng ample amount ng betadine sa cotton at ipahid sa sugat. Wag gawing baby ang sugat. If may nakikita kang butas in between try to close it palagi para magdikit sila.
3. Lagyan ng gauze para sa dressing ng sugat, takpan gamit ang micropore tape.
4. Ilagay ang binder ng mahigpit. Mas mahigpit, mas maganda at mas madali kumilos.

20140708-024317-9797279.jpgThis is my 1week old CS Scar. Kung mapapansin nyo andun pa yung thread sa taas at sa baba ng sugat. Kuha to na nakahigang position.

Eto na ang itsura nya after 4months. Kuha sya ng nakahigang position.

Eto naman ang image nya kapag nakatayo in 4months.

20140708-025130-10290201.jpgNaiinis ako kasi parang hindi pantay yung pagkakatahi ng aking tsan. Parang mas maumbok yung kabilang side. Basta hindi sya pantay. Mapapansin nyo naman na hindi talaga sya pantay sa mga guhit. Grr. Grabe no?! Asar!

Hindi naman ito ang una kong Cesarean Operation. Repeat CS na lang ako. 3years old na yung nasundan kong anak pero hindi naman ganito yung itsura. For the record, yung first CS ko was done at Unciano Hospital Sta.Mesa year 2009 and etong 2014 lang ng March naoperahan ako sa Pasig City General Hospital

So, that’s it. If you have any question guys just feel free to ask me and I also would like to hear from you guys sa update ng mga CS scars nyo, just comment below.

See you in my next MomsJourney. God Bless! 🙂