Parenting

Menstrual Cup ba ang sagot sa kahirapan?

Ready na ba tayo dito?
Kung hindi ka familiar dito at babae ka, pwes, alamin natin!

Eto ay MENSTRUAL Cup, device inserted into the vagina during menstruation. Pangolekta ng regla.

I tried this literally today on my 3rd day of my menstruation. Usually, Konti na ang regla ko kapag 3rd day.

Here’s my experience:
Inserting
•nasaktan ako, feeling ko Hindi kakasya. Bago ko pala sya nilagay, nilagay ko muna sya sa hot water ng 10mins. Ang weird. Nung nalagay ko na, nakatiklop pa sya, iniisip ko kung paano sya bubuka; Ayun, nag-pop na sya.

Walking
-Weird. Feeling mo may nakapasak lalo na at virgin ako with 3kids 😂✌🏻. Ang weird. Haha! Feeling ko may lalabas every lalakad ako. Ilang beses ko sinilip at kinapa kung okay lang sya, Lalo na kung okay lang ba ako?! Hahaha!

Sitting
•Sobrang weird. May nag-squish. Parang lalabas. Uncomfortable. Yung Iniisip mo sya everytime uupo ka.

Coughing
•Eto pinaka-matinding feeling. Haha! Parang bubulwak at aalis in instance na mauubo ka. Para kang manganganak.

Ang weird nito suotin. But, lahat yan sa umpisa lang. After an hour, I get used to it. Ang Hindi mo lang talaga maatim yung Pag-upo at Pag-tayo Galing upo. Mafefeel mo kasi sya. But, walking, jumping and running, normal lang sya. Yung feeling lang na meron talaga naka-salpak lang.

Para kanino ito?

  1. Para sa mga sensitive ang skin sa mga sanitary pads
  2. Para sa tinatamad mag-change pads ng madalas. Me! Haha!
  3. Okay na okay din sa may malalakas na period.
  4. Para sa nagtitipid.
  5. Para na environmentalists nating mga Ate. Less waste. Happy World.
  6. Mga active in sports.

Paano nga ba ako umihi ng may menstrual cup, medyo hassle lang ang part na ito. Kelangan mo talaga sya tanggalin gamit ang pinch finger nails mo. Medyo struggle ang Pag-hila, hinila ko sya hawak ang nakausling rubber sa Pinaka-cup, pa-side ang hugot kasi mahirap hilahin kung naka-gitna ang hugot.

Satisfying ang part nung nakita ko ang menstrual cup ko na may regla. Parang Nakakatuwang makita na ganito kadami ang nakuha at lumabas sayong dugo na dati ay hindi mo naman nasusukat sa sanitary pads mo.

Image from Google.

Hinugasan ko ang menstrual cup gamit ang tubig lamang at binalik ko ito nang nakatayo. Okay na ulit, pahinga na. Back to tulog na.

Sya nga pala kung tatanungin nyo ako kung may stain pa rin ba ang undies ko after long day, yes, may stain, pero tuldok lang. nakakatuwang wala talang tumagas na dugo, humiga, umupo, mag dekwatro o cross-legs. Yung isiping may period ka lang Hindi posible dapat gawin yan, pero yes, lahat yan nagawa ko. 😂😂

Ayan, kung gusto nyo itry, approve na approve ko to! Masaya naman sya! Sana Masaya din kayo para sa kanya. Haha! Makakabili kayo nito as low as P100 to over P5K. Kayo na ang bahala sa sarili nyo. Will write more about this thru my blog – mamafarrahph.WordPress.con

Thanks for reading my blog!

Please follow me:

Instagram.com/mamafarrahph

youtube.com/farrahvaldez

Baby, Cesarean, Operation, Pregnancy, Uncategorized

Blog#3: Sugat ng Pagmamahal (C-Section Scar)

C-Section Delivery is considered as major operation para sa ating mga mommy at hindi madali magpagaling ng sugat ng cesarean. Kelangan mo alagaan ang sugat mo sabay ng pag-aalaga mo sa sarili at baby mo.

Maswerte ka kung meron pwedeng umalalay sayo habang nagpapagaling ka para manumbalik ng mabilis ang lakas mo. Gusto ko lang I-share kung pano ko alagaan yung sugat ng pagmamahal ko. Simple lang naman.

You need:
1. Binder – automatic paglabas mo ng hospital may suot ka dapat nito kasi hindi mo kakayaning maglakad at kumilos kung wala kang binder.

20140708-015233-6753707.jpgPhoto not mine, credit to owner.
Insight: Ganitong klase yung binder ko nung lumabas ako ng Hospital I think nasa 100-200php sya. Sinuot ko lang sya hanggang 2-3weeks. Summer kasi ako nanganak (March5,2014) kaya hindi ko na tinagalan. Sobrang kapal nya and hindi rin sya maganda isuot under clothes kasi masyado syang bulky. Pero sabi ng OB after 2weeks or kung kaya mo na tanggalin na din para makahinga si sugat. Purpose ko sana patagalin para tuluyan lumiit tsan ko.

2. Betadine – kelangan malagyan yung buong sugat ng betadine. Malalaman mo na kelangan mo na ulit lagyan ng gamot kapag wala ng brown yung area ng sugat or wala ng kulay ang gamot na pinahid mo na nauna. More or less 100-200php yung ganyan kalaki.

20140708-020707-7627773.jpgPhoto not mine, credit to owner.
New Packaging. Wala na yung Green.

3. Cotton/Bulak – applicator ng betadine.

4. Gauze – pantakip sa sugat. Mas maganda if bibili na kayo ng mahaba then cut mo nalang sa desired length mo. Around 50-100php.

20140708-021620-8180784.jpgPhoto not mine. Credit to owner.

5. Micropore Tape – to secure and to close yung gauze. Mas maganda yung malapad na Micropore ang bilhin kesa manipis para maganda ang pagkaka-secure ng gauze sa balat.
20140708-022440-8680625.jpgPhoto not mine. Credit to owner.

6. Alcohol – any 70% alcohol will do. Mas concentrated kasi sya compared to 40% lang na pang cleaning.

Direction to clean your scar:
1. Clean the outside area of the scar using Alcohol. Hindi mismo yung sugat ang lalagyan ng Alcohol.
2. Maglagay ng ample amount ng betadine sa cotton at ipahid sa sugat. Wag gawing baby ang sugat. If may nakikita kang butas in between try to close it palagi para magdikit sila.
3. Lagyan ng gauze para sa dressing ng sugat, takpan gamit ang micropore tape.
4. Ilagay ang binder ng mahigpit. Mas mahigpit, mas maganda at mas madali kumilos.

20140708-024317-9797279.jpgThis is my 1week old CS Scar. Kung mapapansin nyo andun pa yung thread sa taas at sa baba ng sugat. Kuha to na nakahigang position.

Eto na ang itsura nya after 4months. Kuha sya ng nakahigang position.

Eto naman ang image nya kapag nakatayo in 4months.

20140708-025130-10290201.jpgNaiinis ako kasi parang hindi pantay yung pagkakatahi ng aking tsan. Parang mas maumbok yung kabilang side. Basta hindi sya pantay. Mapapansin nyo naman na hindi talaga sya pantay sa mga guhit. Grr. Grabe no?! Asar!

Hindi naman ito ang una kong Cesarean Operation. Repeat CS na lang ako. 3years old na yung nasundan kong anak pero hindi naman ganito yung itsura. For the record, yung first CS ko was done at Unciano Hospital Sta.Mesa year 2009 and etong 2014 lang ng March naoperahan ako sa Pasig City General Hospital

So, that’s it. If you have any question guys just feel free to ask me and I also would like to hear from you guys sa update ng mga CS scars nyo, just comment below.

See you in my next MomsJourney. God Bless! 🙂

Diet, Exercise, Pregnancy

Blog#2: Calamansi Diet

Returning back your figure after giving birth is not easy as 1,2 and 3. So, I decided to search for an exercise routine na pwede ko gawin everyday but the challenge are (yes, “are!”) would it be safe for me na 3months ago pa lang nanganganak and breastfeeding?! Basically, OB-Gyne is allowing you to exercise ng very very light 6weeks after giving birth or upon go signal nila, ngayon my problem is, to be honest, hindi na ko nakabalik kay OB for a follow-up check-up and ayoko naman biglang mag-jump sa isang exercise routine na pwede ko ikapahamak (better safe than sorry). I feel na I can go hard to very extreme exercise na pwede ko gayahin sa Youtube kaya lang dangerous sa part ko kaya sabi ko NEXT! Mas mahirap mag-close uli ng bukas na opera.

So, upon knowing this “secret drink” of Brod Bo Sanchez, I tried it ASAP since malapit na ang binyag and birthday ng mga anak ko. Regarding breastfeeding while in Calamansi Diet wala naman harmful effect because only protein occasionally passed thru milk but not acid and you can eat/drink calamansi as many as you want tingnan mo lang if may allergic reaction si baby, if there’s just stop.

So what I do is I have to drink 24pcs of Calamansi Juice only (No water, mas magiging acidic sya if may halong water) 1 hour before breakfast and make sure you gargle afterwards para hindi masira ang inyong teeth. Of course, masyadong maasim at nakaka-overwhelmed naman ang 24pcs na calamansi agad-agad so you have to take/do the following steps para hindi ka mabigla.

Day 1: Drink only 4pcs Calamansi
20140629-023146-9106123.jpg

Day 2: Drink 8pcs Calamansi

20140629-023309-9189695.jpg

Day 3: Drink 12pcs. Calamansi

20140629-023822-9502557.jpg

Day 4: Drink 16pcs. Calamansi

20140629-024051-9651440.jpg

Day 5: Drink 20pcs. Calamansi

20140629-024147-9707944.jpg

Hanggang umabot ng 24pcs sa Day 6..

20140629-024249-9769836.jpg
You can maintain 20pcs after maging 24pcs. ang mainom daily.

So, here’s the verdict:
1. How Much?
-Ranging from 10 to 15php ang 1/4 kilo ng Calamansi depende sa season. So, daily gagastos ka ng roughly 10php.
2. What I feel?
-Served as suppressant. Andun pa rin yung gana mo kumain pero hindi ka nag-ooverfeed unlike nung hindi ako umiinom ng Calamansi.
-Laxative. Palagi ako umuutot (Excuse Me) at nag rerelease talaga sya ng gas throughout the day.
3. Effect while Breastfeeding?
-Wala naman. Same pa din amount ng milk ko.
4. Effect kay Baby?
-Wala din. Hindi naman sya mukhang naiirita.

Over-all rating?
Very good. Affordable and very easy to prepare.

Also, you can do this after ma-juice ang Calamansi medyo stingy at madulas ang feeling pero kapag na-wash nyo na feeling very clean (literally) and smooth ang skin. Let me know if gusto nyo ng different blog para sa Calamansi Bathed na ginagawa ko. Here’s the picture.

20140629-025807-10687682.jpg

I have to be atleast fit bago ang big day, syempre we need to beautify ourselves kahit mom na tayo. Let me know kapag na-try nyo na and share it with me. if may mga questions just feel free to ask. Also, i forgot to mention mas maganda if you weigh nyo muna sarili nyo bago gawin yung diet, let’s see if it is working. As for me, wala akong weighing scale pero i-post ko ASAP kung ano weight ko para malaman natin if effective. So that’s it. Until my next MomsJourney. God Bless!

Disclaimer: Do at your own risk